Parak, kainuman nagpaputok ng baril; bangenge nang damputin

Swak sa selda ang isang pulis pati na ang kanyang kainuman matapos paglaruan at paputukin ang service fire arm ng una, dala ng kalasingan sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Si PCPL. Marvin Ray Pablo Arenas, 32-any­ os, ng Victoria Homes Subdivision, Muntinlupa City at Rino Baldestamon Batiancila alyas “Enoy,” 21-anyos, ng Natividad Street, Barangay Mapulang Lupa, Valenzuela City, ay kapwa nahaharap sa kasong alarm and scandal.

Bukod dito, maaari ring maharap sa kasong administratibo ang nasabing pulis. Sa report, alas-9:30 ng gabi nang mangyari ang insidente habang tumotoma daw sina PCPL. Arenas at Batiancila sa harap ng bahay ni Marlyn Vistal sa Sanchez Street, Barangay Mapulang Lupa. Sinasabing nang malasing ang dalawa ay kinuha ng pulis ang kanyang cal. 9mm pis­ tol service fire arm at pinaglaruan. Nag-alala si Batiancila na baka pumutok ang baril kaya kinuha niya ito sa kainuman, nilagay sa ibabaw ng mesa at binawalang galawin.

N a g i n g m a p i l i t umano si PCPL. Arenas at dala na rin ng dami ng nainom, nagsilbing hamon kay Batiancila ang sinabi ng pulis, kaya kinuha niya ito at ipinutok nang 2-beses sa semento. Sa takot ng mga residente sa lugar ay ini-report ito at nang rumesponde ang pulisya ay pinosasan ang dalawang suspek. (Orlan Linde)