Isang lalaki na nasa drug watch list persona­lities umano ng pulisya ang sumuko sa ilalim ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police kahapon ng umaga sa Quezon City Police District (QCPD).

Ayon kay Senior Superintendent Guillermo Eleazar, kinilala ang sumukong pulis na si PO1 Liberato­ Calda na nakatalaga sa Taguig City Police na sa QCPD isinuko ang sarili.

Noong una umano ay hindi pa alam ng mga tauhan ng QCPD na si Calda­ ay isang alagad ng batas kung hindi pa nito mismo ipinalaam sa kanila.

Napag-alaman na nagkaroon ng ope­rasyon ang nasabing himpilan at isa ang bahay ni ­Calda sa mga pinuntahan sa ilalim ng Oplan Tokhang-Katok Pakiusap.

Wala naman sa bahay si Calda at base sa proseso kapag wala ang target ay sasabihan ang kasamahan nitong papuntahin ang target.

Agad ding isinuko ni Calda ang sarili sa himpilan at napag-alamang nagpositibo ito nang isailaim sa drug test.