Paralympian pinayagang magpakamatay

Dahil sa ‘di na makayanang hirap, tuluyan nang nagpatiwakal sa pamamagitan ng euthanasia si Belgian Paralympian Marieke Vervoort.

Nangyari ang insidente nitong Martes sa Diest, Belgium kung saan binigyan na siya ng approval ng kanyang tatlong doktor na tapusin na ang kanyang buhay.

“I no longer have a fear of death,” pahayag ng gold medallist. “I see it as an operation, where you go to sleep and never wake up. For me it’s something peaceful. I don’t want to suffer when I’m dying.”

“When it becomes too much for me to handle than I have my life in my own hands.”

Naging bantog ang 40-anyos na differently-able athlete nang makasungkit ng gold sa T52 100m wheelchair race at silver naman sa 200m race sa London 2012 Paralympics habang dalawang medalya pa sa Brazil 2016 Paralympics. (Aivan Episcope)