Parañaque, Las Piñas, Cavite nagbagong taon na walang tubig sa Maynilad—MVP

Walang tubig na sinalubong ng ilang mga taha­nan sa Parañaque, Las Piñas, at Bacoor at Imus sa Cavite ang Bagong Taon.

Inanunsiyo ng May­nilad Water Services Inc. ni Manny V. Pangilinan na may emergency water service interruption sa 13 barangay sa Las Piñas City at sa Baclaran at Tambo sa Parañaque City nung bisperas ng Bagong Taon.

Kahapon naman nito inanuniyo na may emergency water service interruption sa Bacoor at Imus na umabot hanggang alas-11:00 nang gabi nung Disyembre 31.
Walang ibinigay na paliwanag ang Maynilad.

Bago mag-Pasko, pinahirapan na ng Maynilad ang mga residente ng Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa at ilang lugar sa Cavite kaya’t pinetisyon na ito sa change.org para pananagutin sa walang kwentang serbisyo nito.

Dahil ang tubig ay isang basic necessity, hindi ito basta-basta mabo­boykot ng mga consumer at hindi rin ito parang internet service provider na madali lang mapapalitan.

Mahigit 20 araw na­wa­lan ng tubig ang mga naninirahan sa Las Piñas, Muntinlupa, at Parañaque at araw-araw din ang emergency water service interruption advisory kahit na krisis na itong tinuturing ng mga residente. (Eileen Mencias)