Parañaque LGU magbibigay ng midyear bonus

Good news! Mata- tanggap na simula nga- yong Huwebes, Marso 19, ang full mid-year bo- nus ng nasa 7,000 reg- ular at casual employee ng Parañaque City.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, bukod sa bonus, lahat din ng empleyado ay mabibigyan ng P6,000 clothing allowance na simula ngayong Marso 19 hanggang sa Lunes, Marso 23.

Sinabi ng alkalde, dahil sa pagsasailalim sa buong bansa ng state of calamity at Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon, hin- di na kailangang magtungo pa sa Parañaque City Hall ang mga empleyado para kunin ang kanilang mga bonus at clothing allowance kundi ay idadaan na la- mang ito sa kanilang Land Bank automated teller machine (ATM).

“The early release of the bonus pay is to augment the financial needs of employees who would be economically affected by the crisis,” ani city treasurer Dr. Anthony Pulmano. M a k u k u h a r i n ng mga kawani ang kanilang regular na buwanang suweldo. Sapat aniya ang pondo kaya nai-release ang pangangailangang ito sa krisis na nararanasan ngayon kaugnay sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Noong nakalipas na taon, nakapagtala ng P5.3 bilyon na kita ang local government unit (LGU) ng Parañaque na tumaas ng P1.6 bilyon mula sa dating P3.7 bilyon. (Armida Rico)