Parañaque wala ng liquor ban

Inalis na ni Paranaque City Mayor Edwin Olivarez ang liquor ban kasabay nang pagpapairal sa general community quarantine sa buong Metro Manila.

Sa ilalim ng Executive Order No. 2020-041, inutos ni Olivarez ang pagtanggal sa suspensyon ng permit sa pagbebenta ng alak simula ngayon dahil sa economic reason.

Magugunita na pinalawig ang ban sa pagbebenta ng alak sa buong kalunsuran nang isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine noong Mayo 16 ang Metro Manila upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

“The continued ban on alcoholic beverages contributes to the decline of the country’s economy where several workers face displacement from the possible closure of liquor companies due to business reverses,” sabi ni Olivarez.

Gayunman, nilinaw ng alkalde na ang pagbebenta ng mga alcoholic drink ay papayagan lamang sa operating hour ng mga tindahan. Papayagan lang ang inuman sa loob ng bahay. Bawal pa ring mag-serve ng alak sa mga restaurant at bar.

“We are reminding residents that strict health protocols such as social distancing must be observed under GCQ. Therefore, engaging in social gatherings such as inviting people to their houses to drink liquor and eating and drinking inside bars remain prohibited,’ sabi ni Olivarez.
Lahat ng lalabag ay mahaharap sa kaparusahan.