Parangal pa kay Hidilyn

hidilyn-diaz

Dalawang linggo matapos magkuwintas ng silver sa Rio Olympics, tatanggap muli ng parangal si Hidilyn Diaz mula naman sa Armed Forces of the Philippines sa AFP Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Miyembro ng Air Force si Hidilyn at may ranggong Airwoman First Class (AW1C).

Ayon kay AFP public affairs office chief Col. Edgard Arevalo, tatanggap si Diaz ng Outstanding Achievement Medal at Plaque of Recognition dahil sa katangi-tanging ipinamalas sa larangan ng sports bilang first Filipina athlete na nakakuha ng medalya sa Games.

“Airwoman First Class Diaz brought national pride which merited public recognition of the highest order for her accomplishment as the country’s lone athlete-delegate to the said international event to win a medal for the Philippines,” nakapaloob sa citation.

Bayaning sinalubong si Hidilyn sa Villamor Airbase noong Huwebes at binigyan ng promotion sa susunod na ranggo bilang Airwoman 2nd Class (AW2C).

“Diaz’s world-class achievement earned recognition for the country.

I extend my congratulations to her and to the other soldier-athletes who continue to work hard in their own fields to bring honor and pride to the AFP and to the Filipinos,” paabot na pagbati naman ni AFP chief of staff Gen. Ricardo Visaya.