Mukhang sawa na yatang maglaro sa co­llegiate ranks ang anak ni two-time PBA MVP Benjie Paras na si Kobe Paras.

Sa kanyang video post sa Instagram ibinulalas ito kahapon ni Kobe.

“I know it seems like a giant step that no one was expecting, but that is what makes this one of the greatest announcements of my life. Although I am a Bluejay & Matador at heart and thank Coach Theus and the CSUN staff for everything. It’s time for me to shape my own destiny in an even bigger wave.”

Ang desisyon ng 20-anyos na cager ang kasunod ng pagsibak ng California State University, Northridge (CSUN) kay coach Reggie Theus at sa Athletic Director nitong si Dr. Brandon Martin.

Sa inilabas na press statement, nagpasa­lamat si Paras sa CSUN at sa buong coaching staff sa ibinigay na opurtunidad sa kanya na maging isang Matador.

“There is clear and mutual love and understanding as to what sparked his decision,” ayon pa sa bahagi ng press statement ng paaralan.

Una rito, naging bahagi muna ng Creighton Bluejays sa Amerika sa 2016-17 season si Paras at gumawa ng ingay sa Philippine basketball teams na lahat ay nanalo ng gold medal sa iba’t ibang torneo sa labas ng bansa.

Pinakahuli sa 29th Southeast Asian Games 2017 noong Agosto sa Malaysia.

Ang pagbabago ng isip ng batang Paras ang malamang magpabalik sa kanya nang di oras sa Pinas at pasukin ang maperang professional ranks. (Ferdz delos Santos)