‘Parasite’ umeksena sa Oscars

‘Parasite’ umeksena sa Oscars

Kumpirmado na ang pagdalo ng cast ng award-winning South Korean film na “Parasite” sa Oscars Awards.

Sa Lunes, February 9 gaganapin ang 92nd Annual Academy Awards sa Los Angeles. Ito pa rin ang pinaka-prestihiyosong award-giving body na kinikilala sa buong mundo.

Ang black comedy thriller film na “Parasite” ay nanalo na rin sa 77th Golden Globe Awards for Best Foreign Language Film, 73rd British Academy Film Awards, Screen Actors Guild Awards at sa Cannes Film Festival na nag-open at nanalo ng Palme d’Or.
Ang “Parasite” ay kauna-unahang Korean film na nakatanggap ng napakaraming recognition at nomination.

Kumpirmado na ang pagdating ng director ng movie na si Bong Joon Ho.

Sa ngayon, nasa United States na sina Bong Joon Ho, Jo Yeo Jung at Lee Jung Eun. Habang sina Song Kang Ho, Lee Sun Gyun, Park So Dam, Jang Hye Jin at Park Myung Hoon ay aalis mula sa South Korea ng February 7 at darating ng Los Angeles sa February 8.

Ang aktor na si Choi Woo Shik ang huling cast na darating sa February 9 na mismo ng umaga, US time.

Nominado ang “Parasite” sa anim na kategorya gaya ng Best Picture, Original Screenplay, Directing, Film Editing, Production Design at International Feature Film.