Kanya-kanyang paraan para mag-ubos ng oras habang naka-lockdown ang lahat.

Habang naka-community quarantine at hindi makaalis ng bahay, naging libangan ang Internet at social media.

Patok na patok ang Netflix at Youtube, pati ang mga miyembro ng PBA ay naging fan ng mga ito.

“Natuto ‘yung governors na manood sa Netflix,” pahayag ni commissioner Willie Marcial.

Ano ang pinapanood maliban sa The Last Dance ni Michael Jordan?

“Koreanovela,” nakangiting pambubuko ni Marcial.

Suspendido mula March 11 ang liga, ngayong bumaba na ang antas ng quarantine ay inilalatag na rin ang unti-unting pagbabalik.

Humingi na ng go-signal ang PBA mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para makapag-workout.

“A step forward ‘yun. At least the teams can start with their conditioning kesa nakatiwangwang lang kami lahat,” ani Rene Pardo, kinatawan ng Magnolia sa Board, kahapon. (Vladi Eduarte)