Pare, Saints buslo ng 2 D-League scoring record

Adams, Scratchers sa ika-3 ragasa

Pasabog si Malian big man Mohammed Pare ng 31 points, at 19 rebounds upang pamunuan ang BRT Sumisip Basilan-St. Clare na tunggain ang Black Mamba, 161-122, at swak ng dalawang rekord sa 9th Philippine Basketball Association Developmental-League Foundation Cup 2019 eliminations Lunes ng hapon sa Ynares Sports Arena, Pasig City.

Ang 161 ng Saints ay bagong marka sa liga bilang most points scored, ineklipsehan ang 144 ng Hyperwash nang pabalandrahin ang McDavid-La Salle Araneta nito lang August 19, at ang 95 sa second half ay most points din, bumura sa 83 ng Tanduay sa 141-65 win sa Zark’s nitong July 10, 2017

Habang ang kanilang 53 sa fourth quarter ay tumabla sa Rhum Masters’ third quarter output sa 113-71 paghigop sa Gamboa Coffee nitong June 27, 2017 ay naitatak na most sa single period.

“Kita ninyo naman nag-eenjoy na ‘yung mga bata nung huli,” wika ni coach Stevenson Tiu hinggil sa panalo para sa 5-0 na at twice-to-beat ng team sa quarterfinals. “Of course kahit sino’ng coach masaya with that advantage for the playoffs.”

Bulusok ang Energy Drink sa 3-2 sa likod ng 18 pts. ni Jett Vidal.

Pasiklab naman si Senegalese slotman Malick Diouf ng 19 markers, 21 boards, at 7 blocks para pangunahan ang Centro Escolar University sa pagpulbos sa Hazchem, 126-76, para rin sa 5-0 card at balyahin ang biktima sa 1-4.

(Aivan Denzel Espicope)