PAREHAS NA IMBESTIGASYON SA NARCO-POLITICOS — DILG

Inihayag ni Department of Interior and Local Government Secretary (DILG) Ismael Sueno na ang kanilang departamento ay nakatuon na para sa isang mabilis at patas na imbestigasyon kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ng mga lokal na opisyal sa iligal na droga.

Sinabi ito ni Sueno matapos ang ikalawan­g rebelasyong ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pangalan ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan na sangkot sa iligal na transaksyon ng ipinagbabawal na gamot.

“We assure you that the probe will be swift yet fair to the accused,” paniniyak ng kalihim.

Kahapon Agosto­ 7, 2016 Linggo ng madaling-­araw nang ibunyag ni Pangulong Duterte ang mga panga­lan ng umano’y drug personalities kabilang ang ilang mga pulis at military personnel, judges at local government officials.

Nilinaw ni Secretary Sueno na kapag ang lokal na mga opisyal ay provincial elective at city elective officials na nasa ilalim ng administrative jurisdiction ng DILG ay agad na mag-uumpisa ng pagsisiyasat matapos makakuha ng ­authority mula sa tanggapan ng Pangulo para mag-imbestiga.

Ayon pa sa kalihim, ang DILG ay maaaring gamitin ang report at magagamit na ebidensya laban sa local chief executives (LCEs).

Habang sa kabilang banda kapag ang isang pinaghihinalaang narco-politician na pinangalanan ay nabibilang sa alinman sa municipal government o barangay government, sinabi ni Sueno na ang kanilang sanggunian ang mayroong administratibong kapangyarihan sa kanila o parehong pagkakataon sa Office of the Ombudsman.

“The President himself said that this has to stop. It’s plain and simple. The President wants a clean government. This is not for the merit of this administration. We are doing this for us Filipino people and our descendants,” pahayag pa ng kalihim.

Dahil dito kung kaya’t idinagdag pa ng kalihim na inatasan na niya ang departamento mula sa Legal, Legislative and Liai­son Service (LLLS) na unahin ang pagsisiyasat sa ‘narco-politicos’.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Atty. Edward Justine Orden, Acting Director ng DILG LLLS, “Definitely it shouldn’t take a year and should not even take six months to do case build-up on one alleged narco-politician. As I see it, they may be pressed with grave misconduct. In first offense, it is already punishable with dismissal from service,” sabi pa ni Atty. Orden.

“Kung aatasan tayo ng Pangulo na maging complainant, we can do that, and after gathering the pieces of evidence, we will file the cases to the Office of the Ombudsman,” dagdag pa ni Atty. Orden.

Sinabi pa ni Sueno, na hindi umano kailangang mag-alala ng publiko sa pagkagambala ng mga lokal na serbisyo ng pamahalaan kahit kaila­ngang sumailalim sa imbes­tigasyon ang sinumang ­pinuno ng bayan.

Nilinaw nito na kahit ang mga local chief exe­cutives na nasa ilalim ng pagsisiyasat, maaari pa rin silang magsagawa ng kanilang mga tungkulin, maliban na lang kung sabihan sila ng korte o ilagay sa ilalim ng preventive suspension sa panahon ng imbestigasyon sa kaso.