Susubukan ng mga gamefowl breeder ang mga bagong palahi sa pag-arangkada ng “Bakbakan Early Bird 9-Stag Derby” sa lima pang sabungan ngayong Hulyo.

Ang mga ito ay sa July 25 sa Sta. Moni­ca Cockpit (Bulacan Gamefowl Breeders Association); July 27 sa Gallera de Mandaue (Sugbo United Gamefowl Breeders Organization), Alixandria Cockpit (Zamboanga Gamefowl Breeders Association);

July 29 sa Bacolor Cockpit (Kapampangan Gamefowl Breeders Association) at July 31 sa Pangasinan Coliseum (Breeders Association of Pangasinan-Pangasinense, Inc.).

Format nito ang 2-stag elims; 3-stag semifinals at 4-stag finals na may garantisadong P10M cash prizes at entry fee na P5,500.

Inorganisa ng International Federation of Gamefowl Breeders Associations (FIGBA) ang ‘early bird’ series na pampainit sa “National Bakbakan 12-Stag Derby” sa Oktubre.

Ayon nitong Miyerkoles kay FIGBA president Ricoy Palmares, Jr., nakasisiguro ang mga kalahok ng parehas na labanan dahil FIGBA ‘early bird’ stags at locally-banded stags ng FIGBA member associations lang ang mga tatanggapin dito.

“This policy is in effect since the start of ‘Bakbakan’ in 2001,” giit ni Palmares. (Enjel Manato)