Paretirong si Bersamin, gustong maalala bilang ‘healing chief justice’

Pinarangalan ng Supreme Court (SC) si Chief Justice Lucas Bersamin sa kanyang retirement rites nitong Biyernes, isang linggo bago niya tuluyang lisanin ang hudikatura.

Sa darating na Oktubre 18, sa kanyang 70th birthday ay nakatakdang magretiro si Bersamin.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na seremonya sa SC session hall, sinabi ni Bersamin na gusto niyang maalala bilang “healing chief justice” na nagbalik sa stability at normalcy ng hudikatura partikular na ng Korte Suprema.

“I want to be remembered as healing chief justice that brought back the stability and normalcy of judiciary particulary the Supreme Court,” ani Bersamin.

Apat na mahistrado ang nagtatangka para sa babakantehing posisyon ni Bersamin.

Ito ay sina Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas-Bernabe, Andres Reyes, Jr., at Jose Reyes, Jr. (Anne Lorraine Gamo)