Buo ang loob at handa pa rin umanong maglingkod sa Simbahan ang pari ng Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu sa kabila ng pag-atake ng mga terorista noong Linggo, Enero 27 na ikinamatay ng 20 katao at higit 100 ang nasugatan.

Ayon kay Fr. Ricky Bacolcol, na siyang nangasiwa sa misa kung saan nangyari ang pagsa­bog, hindi umano sila natatakot sa mga inihahasik na karahasan ng mga teroristang grupo at hindi umano dahilan para mawala ang kanilang pananampalataya bilang Katoliko.

Nabatid naman na hindi ito ang unang beses na nakaranas si Bacolcol ng pambobomba habang nagmimisa.

Noong 2010, katulong si ­Bacolcol ng isa pang pari habang nagmimisa nang sumabog ang improvised explosive device sa chapel ng kampo ng pulisya sa parehong bayan.