SA Mayo 15 (Lunes) pa ang San Isidro PAHIYAS festival ng Lucban, Quezon pero ngayon pa lang ay more & more ang mga pasiklab.

Mamayang 7:00 PM ang G. at BB. PARIKITAN Pahiyas 2017 sa Rizal Park.

Maso-showcase dito ang creativity ng mga fashion designer na Lucbanin.

Sa Lunes (Marso 8) ay Paligsahan sa Sarap ng Suman.

Sa Martes (Mayo 9) ang Lalahan ng Lucban (The Amazing Race ang peg!) at ang timpalak na Mutya ng Lucban.

Sa Mayo 11 (Huwebes) ang grand finals ng The Voice of Lucban.

Naku, Denden Jardin! Totoo ba ang tsika na magte-taping sa Pahiyas ang tatlong young loveteams ng isang malaking TV network?

Aabangan namin ‘yan, huh?!

Syanga pala, ngayong taon ang ika-887 anibersaryo ng kamatayan ni San Isidro Labrador, ang patron ng mga magsasaka.