Paris ‘World’s Most Expensive City’

Para sa mga nag-aambisyong manirahan sa bansang Paris, magdalawang-isip muna dahil lumabas sa isinagawang Economist ­Intelligence Unit’s 2019 Worldwide Cost of Living Survey na numero ­unong pinakamahal manirahan sa nasabing bansa.

Sa loob ng 30 taon ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok sa Top 1 ang tatlong bansa kabilang na ang Singapore at Hong Kong.

Ginawang batayan sa nasabing survey ang iba’t ibang ginugugol na gastos gaya ng sa kuryente, pagkain, transportation at upa sa bahay.

Bukod sa nasabing bayarin sa mga basic needs ay lumabas din sa pagsisiyasat na umaabot sa $199.04 o katumbas ng P6,190 ang pagpapagupit ng buhok sa Paris kumpara sa $73.97 o P3,846 pesos sa Zurich at $53.46 o 2,799 pesos naman sa Osaka, Japan.

Layunin ng nasabing survey na bantayan ang pagtaas o pag­baba ng mga presyo kung saan ginawa nilang batayan ang cost of living ng New York na naging benchmark na rin ng mga bansa nitong mga nakaraang taon.

Kung para sa mga yayamanin ang bansang Paris, patok ­naman ang mga bansang Caracas at Venezuela sa mga taong gustong makatipid o simplehan lang ang gustong buhay dahil tinaguriang pinakamurang bansa ang mga ito bunsod na rin sa kanilang krisis sa ekonomiya at politika. (ME)