“Walang forever!” ang karamihan sa nababasa namin sa paghihiwalay ng Song-Song couple.

Ang Song-Song couple ay ang mga sikat na Korean actor/actress na sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo.

Mismong si Song Joong Ki ang naglabas ng statement sa press.

Ayon sa lawyer ng actor na si Park Jae Hyun, ang law firm nila ay nag-file na ng divorce on behalf of Song Joong Ki sa Seoul Family Court nitong June 26.

“First, I’d like to apologize for delivering this unfortunate news to the many fans who love and care for me. I have begun the process of filing for divorce from Song Hye Kyo. Rather than denouncing one another and arguing over who is to blame, I hope that the divorce process can be wrapped up amicably.

“I ask for your understanding in regards to the fact that it is difficult to discuss the details of my personal life, and I will recover from my current wounds and do my utmost as an actor to repay you through great productions in the future.”

Kinumpirma rin ng agency ni Song Hye Kyo ang announcement na ito ng lawyer ng aktor. Ayon sa representative ng UAA (United Artists Agency), ang differences daw ng dalawa ang isa sa rason ng hiwalayan pero hanggang doon lang daw ang masasabi nila dahil ang ibang detalye ay personal na buhay na ng dalawa.

Maagap din ang agency ni Park Bo Gum, ang Blossom Entertainment, sa pag-uugnay ng pangalan ng aktor sa divorce ng dalawa.

Ayon sa representative ng agency, “It seems that the rumor arose because Song Hye Kyo filmed her last project with Park Bo Gum, but it is a ridiculous [rumor]. It is completely false. We are preparing to take strong legal action and are currently in discussion.”