Park Bo Gum nag-enjoy kay Song Hye Kyo

tonite-annyeong-rose-garcia
Nagkaroon na ng press conference para sa sa ina­abangang tvN K-drama na ‘Encounter.’ Pinagbibidahan ito nina Park Bo Gum at Song Hye Kyo.
Unang tambalan ng dalawang sikat na Korean star ang Encounter. Ito ang comeback drama nila pagkatapos ng parehong hit drama nila na Descendants of the Sun (Hye Kyo) at Love in the Moonlight (Bo Gum).
Halatang elated si Bo Gum na ang lea­ding lady niya ay si Hye Kyo.
Ayon kay Bo Gum, “I am so honored to work together. Hye Kyo noona takes good care of me and is consi­derate. At first, it was a bit difficult to approach her, but we got a lot closer while filming and while talking about our characters.”
Bukod sa tini-treat daw siya nito ng pagkain, marami rin daw siyang natutunan in-terms of acting sa misis ng Korean actor na si Song Joong Ki.
Sabi pa ni Bo Gum, “She treats me to food a lot and gives good acting advice. She is beautiful in every way.”
Sa isang banda, tinama ni Hye Kyo ang mga haka-haka ng karamihan na malapit sila sa isa’t isa. Dati na silang magkakilala at close friends.
Nauugnay kasi ito dahil sa closeness ni Bo Gum sa mister niya na si Joong Ki. Na noong kinasal sila, isa rin si Bo Gum sa tumugtog ng piano.
Sabi ng aktres, “People seem to think we were very close, but to be honest, we did not know each other well before mee­ting for ‘Encounter.’ He is younger, but it was still difficult for me to approach him.
“I talked a lot with the director and Bo Gum on set. There were no disagreements with every conversation, and we were always on the same page, so filming is going smoothly in both Cuba and Korea.”
At dahil close nga ang bago niyang lea­ding man at ang kanyang mister, naitanong kay Hye Kyo kung ano ang reaksyon ni Joong Ki sa pagtatambal nila sa bagong k-drama.
Ayon kay Hye Kyo, “He said to work hard and that he would enjoy wat­ching.”
Although may ilan pa rin kaming nababasa na tila naiilang pa rin na sina Hye Kyo at Bo Gum ang magkapareha sa bagong drama. Hindi naman maikakaila na napakarami nang naiinip na mapanood sila. Sa November 28 na ang pilot ng Encounter sa tvN.