Park Ji Hoon pumanaw sa kanser

Isang malungkot na balita sa Korean entertainment ang lumabas ngayong araw na ito, May 15. Pumanaw ang South Korean actor na si Park Ji Hoon.

Siya ay mas nakilala sa paglabas niya sa Korean drama na “Chicago Typewriter” bilang si Jeon Doo-yeob.

Bago pasukin ang pag-arte, mas unang nakilala si Park Ji Hoon bilang isang modelo. Thirty-one year old pa lamang ito.

At bago pa man magbigay ng anumang espekulasyon sa naging pagpanaw ng actor, mismong pamilya na niya ang nagbigay ng impormasyon sa maaga niyang pagyao.

Nagpasalamat ang mga ito sa mga nakikiramay at nagbibigay ng suporta sa kanila.

Ipinost din nila ang picture ng mga funeral bouquets na natanggap para sa actor.

Sa statement ng pamilya, stomach cancer ang naging sanhi ng kamatayan ng actor.

“We are posting this message just in case there is anyone we mistakenly did not contact.

We deeply thank everyone who sent their warm comfort and encouragement even during the ongoing COVID-19 outbreak. Thanks to you, we were not alone as we sent my younger brother to heaven. Your support was a huge source of strength to not only me, but to our entire family. We will never forget it.

Please always be careful about COVID-19, and I hope you always stay healthy.

Once again, I want to sincerely thank you.”