Out of curiousity kaya personal naming pinanood ang Park Ji Hoon Asia’s Fan Meeting First Edition in Manila. Ginanap ito sa Araneta Coliseum noong Biyernes nang gabi.
Si Ji Hoon ay ang second place sa Produce 101 Wanna One. Isa siya sa masasabing pinakamaraming fan among the 11 members. Isa rin si Ji Hoon sa nakapag-debut agad as a solo artist after Wanna One’s disbanded.
Ikatlong pagkakataon na ni Ji Hoon sa Manila pero this time, solo na niya. Nag-enjoy kami sa fan meeting niya na alam mong pinagplanuhan. Sulit sa mga Mays (pangalan ng kanyang mga fan) na bumili ng ticket. Pati na rin ‘yung mga fan na nanggaling pa sa ibang bansa.
As expected, puro mga bagets ang crowd. Kahit ang host ng fan meeting ay napa-comment. Sa rami raw ng event na naging host siya, ang fan meeting daw na ‘yun ni Ji Hoon ang talagang very alive ang crowd. Talagang walang patid halos ang sigawan.
Bukod sa apat na segment ang ginawa sa FM, sumagot siya ng ilang tanong. Nakipag-usap sa dalawang mapalad na Mays na napili through the old style paper cup and strings. Personal na gumawa siya ng eco bag at saka personalized niyang pirma na again, may lucky Mays na nakatanggap. Sulit ang FM dahil halos limang kanta yata ang pinerform niya.
Kabilang na ang isang kanta na ginawa ng dati niyang ka-member na si Lee Dae Hwi. Bago mag-end ang March na rin ang release ng first solo album ni Ji Hoon.
What surprised us during the fan meeting, ang fan service niya sa mga fan. Bago ang photo opportunity ng mga may VIP tickets at high touch, sakay ng rolling box, inikot ni Ji Hoon ang buong Araneta. Ito’y para mas makita siya ng malapitan at makuhanan ng picture.
May video rin na ipinakita na involved din si Ji Hoon sa conceptualizing, kasama ang staff ng kanyang agency, ang Maroo sa kanyang fan meeting. 19 year old pa lang si Ji Hoon na nagsimula rin sa Korean entertainment bilang child actor. Siguradong mas marami pa itong mararating ngayon solo artist na.
In fairness, hats off din kami sa mga staff ng PULP ni Happee Sy na halos lahat ay nakita namin ang pagiging efficient. Magalang din sa pakikiharap sa mga nanood. Pati na sa mga nagtatanong at sa mismong venue lang kukuhanin ang mga tickets nila. Consistent sila dahil ‘yun din ang napansin namin nu’ng dalhin nila si Lee Jong Suk sa fan meeting nito sa Manila.
Yoon Ji Oh testigo sa pang-aabuso kay Jang Ja Yeon
Ten years na na ang nakalipas nang magpatiwakal ang isa sa mga antagonist sa Korean version ng Meteor Garden na Boys Over Flowers. Pinaniwalaan noong una na dahil sa depression kaya nag-suicide si Jang Ja Yeon. Hanggang ma-reveal ang iniwan niyang suicide note. Mababasa roon ang dinanas niyang sexual exploitation sa sariling agency at CEO.
Isang malaking scandal noong 2009 ang pagkamatay niya. Pati na ang pag-expose na sexually and physically abused siya ng ilang prominenteng entertainment executives. Sangkot din diumano ang CEO niya sa The Contents Entertainment na si Kim Sung-hoon.
Last year ay muling nabuksan ang kaso. Ang co-star niyang si Yoon Ji Oh ay tumayo ng witness after ten years. Ngayon, binigyan na ang actress ng witness protection mula sa police.
Part ng official statement ni Yoon Ji Oh, “It’s easier to tell a secret than to keep it. For ten years, I’ve only spoken to legal police prosecutors, and I’ve been cautious about mentioning the name of the deceased. I’ve never avoided the 13, no 14 this time, investigations, and I will continue to not avoid the investigations that are about to come.
“The figures mentioned in the list that many people and the media are focused on. The reason why I didn’t reveal them wasn’t because I was trying to protect them. It was to prepare for more testimonies to come as well as the long-term fight that may end anytime.
“If I sue them for libel, they will quickly turn me, a witness, into a defamation suspect, and they have the power to do so. And I don’t want to spend a single cent for them in vain. They’ve been extorting and exploiting money so much, so why should I do that?
“I’m sure the press is always the same. Who is it? Who is it mentioned on the list? Can you bear the weight of my life instead and make a sacrifice? I despise some media outlets and some reporters who are obsessed with the number of clicks with sensational and more stimulating reports rather than factually reporting the situation.”
Matagal na ang scandal na ito, pero it only goes to show na ang mga physical at sexual exploitation ay nangyayari na talaga kahit noon pa sa ilan sa K-entertainment.
Jung Joon Young tsugi ang show sa scandal
Kahit na tinanggal na ang isang member ng KBS variety show na “2 Days & 1 Night” na si Jung Joon Young, naapektuhan na rin ang 1n2D na nasa ika-3rd season. Ito’y dahil sa pagkadawit niya sa sex scandal.
Kaht si Jung Joon Young lang ang sangkot sa scandal, apektado ang show lalo na sa mga natatanggap nilang komento mula sa ilang Korean netizen.
Nagdesisyon ang KBS na pansamantala muna itong matitigil sa broadcast at tila magkakaroon muna ng pag-e-examine sa lahat ng involved sa show. Kabilang na siyempre ang mga members na sina Kim Jong Min, Cha Tae-hyun, Kim Jun-ho, Defconn, Yoon Shi-yoon at Lee Yoon Jin.
Kahapon, March 16 ay naglabas ng statement ang KBS tungkol sa pag-off-air muna ng show.
Nakasaad sa statement na lumabas din sa soompi.com”
“KBS “2 Days & 1 Night” will be halting broadcasts and production.
“KBS has banned singer Jung Joon Young, who is being investigated for the filming and circulating illegal footage, from all programs. Furthermore, it has been decided that “2 Days & 1 Night” will halt broadcasts and production for the time being. With this, another program will be scheduled to take the “2 Days & 1 Night” time slot starting this week.
“In consideration of the viewers who wait for “2 Days & 1 Night” every Sunday evening, we reviewed the option of editing out singer Jung Joon Young from all the footage of the two episodes that have been filmed. However, realizing the severity of the matter, the decision was made to reorganize the program overall.
“KBS deeply apologizes for not managing our cast members thoroughly, and we will prepare measures to avoid a recurrence.
“Especially as singer Jung Joon Young had a similar controversy three years ago, we feel strong responsibility for simply accepting the decision of the investigative authorities to acquit him and not verifyingcompletely before deciding on his return to the cast.
“KBS will prepare fundamental measures including intensified screening of cast members in order for a similar incident to not occur again.”