Park Ji Min may death threat

September pa ng taong ito ang schedule ng BTS Love Yourself concert tour sa Texas, U.S.A. pero ngayon pa lang, maingay na ito.

Pinag-uusapan dahil sa death threat na natanggap ng isa sa miyembro ng BTS na si Park Ji Min.

Nag-post ang poster ng death threat kay Jimin sa isang internet site na Curious Cat. Nabasa ito ng isang fan na ipinorward ang naturang threat sa management ng BTS, gayundin sa mismong venue, ang Forth Worth Convention Center Arena sa Forth Worth, Texas. Pero naitimbre na rin ito agad sa venue at aware na rin ang management sa threat.

Kaya naman ngayon pa lang, sinisiguro na ang strict security measures. May required na size lang din na bag ang puwedeng ipasok sa venue. ‘Yun nga lang, wala raw metal detectors ang venue.

Narito ang ipinost na threat ng poster.

“I’m going to shoot Park Ji Min with a Glock 19 in Fort Worth on September 16, while he sings ‘Serendipity’. It’s going to be fun seeing his lifeless body hit the floor.” The poster added, “He’s been alive way too long and always gets in the way. Why am I telling you this? Because nothing can happen to me on [Curious Cat], ask the ARMYs getting racist [Curious Catters] for being n******.”

Sa isang banda, hindi ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ng death threat si Jimin. May natanggap din itong death threat sa ‘Wings Tour’ concert nila sa Anaheim, California noong April 2017.

Sa September 15-16 ang concert tour ng BTS sa Texas.