Park Shin Hye, miss na mga fan sa K-drama!

park-shin-hye

MARAMI na sa mga tagahanga ng South Korean actress na si Park Shin Hye ang nakakamiss sa kanya sa Korean drama.

Ang huling K-drama pa na nagawa at pinagbidahan ni Shin hye ay ang Pinocchio ng SBS noong 2015 pa.

Sinundan niya na lang ‘to ng mga cameo roles bukod sa pelikulang Heart Blackened noong isang taon.

Ilan sa mga comments ng netizen sa artikulong lumabas sa soompi.com, “miss you on small screen,” “when are you going to comeback to dramaland?”

Isa si Shinhye sa positibo ang image bilang isang aktres.

Ma­ging sa bago niyang cover shoot para sa Marie Claire na ginanap sa isla ng Seychelles.

Na­ging positive energy raw ang aktres sa lahat na nagwo-worry na bago night before the pictorial dahil sa ulan.

Sa mismong pictorial nga, walang ulan at naging maganda ang shoot sa tema nilang “A Blooming Time with Shin hye.”

Pinuri rin ang aktres dahil isa raw si Shin hye sa masasabing may napakaraming kaibigan among South Korean celebrities.

Nang tanungin kung paano niya ito nagagawa, ayon kay Shin hye, “I try to avoid hurting people’s feelings as much as possible, so I end up always having good memories at filming sites. I also try to not be prejudiced against people.”