Park Sun Ho lumaban sa ‘Produce X101’

tonite-annyeong-rose-garciaIsa nang ganap na actor at naging bida na rin sa ilang K-drama ang isa sa mga nagpakilalang contestant ngayon ng “Produce X101” ng Mnet survival show.

Noong May 3 ito nag-premiere.

Ang “Produce X101” ang follow-up sa “Produce 48” kunsaan, nabuo ang isa sa promising girl group na IZ*ONE.

Ngayon naman, ang binubuo nila ay mga bagong boy group. Follow-up naman ito sa nabuo at na-disband nang Wanna One.

Paglabas pa lang ni Park Sun Ho sa stage, na-recognize na siya agad ng fellow contestants na isa na siyang actor.

Ang host na si Lee Dong Wok ay kinumpirma ang na­ging bulungan ng mga contestant na “He’s an actor. Not only is he a actor, but he’s played leading roles before.”

Sabi ni Park Sun Ho, sinuwerte raw siya to land a lead role. Pero sinagot siya ni Lee Dong Wok ng “I’m sure you weren’t just lucky. It’s because you have talent. You can’t win a leading role by luck alone.”

Ilan sa mga drama na pinagbidahan na niya ay ang “Love Cells,” “Start Again,” “I’m Sorry, But I Love You.” Pero sa kabila ng pagiging actor, inamin ni Park Sun Ho na bata pa lang siya, ang pagiging isang Idol na ang pinangarap niya.

Aniya, “I’ve been gradually pursuing a career as an actor, but there were times when it would hit me. I’d be watching a music program or I’d see the idols with whom I’d trained together performing or holding a concert, and I’d think, ‘I could have been one of them.’

“I really wanted to sing and dance my heart out on stage. There may be some people who look upon me unfavorably because I came here after working as an actor. But because I’ve dreamed of becoming an idol ever since I was young, I want to seize this opportunity, which I think may be my last chance to fulfill my unrealized dream.”

Naluha naman ang isa sa mga trainees na si SoYou nang makita si Park Sun Ho. ‘Yun pala, nauna pa itong maging trainee sa kanya dati sa Starship.

Sabi ni Soyou, “Actually, he joined Starship Entertainment as a trainee before I did. Seeing him makes my heart ache.”

Nasa middle school pa lang daw si Park Sun Ho nang maging trainee siya ng Starship for 6 years.

Positibo naman ang komento ng mga netizens sa pagsali ni Park Sun Ho sa “Produce X101.” Halos lahat ay nagwi-wish dito na sana raw ma-achieve nito ang pangarap at hindi mapunta sa wala ang effort niya.