Parks, 2 pang Pinoy tungtong sa ABL All-Time Top 10

Sa naging mga award, hindi na kataka-taka na makasama ang pangalan ni Bobby Ray Parks Jr sa All-Time Top 10 list ng Asean Basketball League (ABL).

Si Ray Parks lang naman ang natatanging manlalaro na nakasungkit ng tatlong Local MVP award sa regional meet, mula 2017 hanggang 2019 bago ito tuluyang tumungtong sa PBA.

Bukod pa sa MVP plum, nagwagi rin ng isang kampeonato si Parks para sa Alab Pilipinas noong 2018, kung saan siya rin ang tinanghal na Finals MVP.

Bukod pa sa ngayo’y Blackwater star, sali din sa naturang listahan si Leon Avenido, na naging local MVP din noong 2012 at nagkampeon matapos lumipat sa San Miguel Beermen.

Una siyang naglaro para sa Brunei Barracudas, maging sa Singapore Slingers at sa Saigon Heat.

Si Ginebra draftee Jerick Cañada rin ay napabilang sa nasabing listahan, naglaro ng tatlong season sa ABL at nagkampeon noong 2014 kung saan ginawaran siya ng Finals MVP award.

Bukod sa tatlo, kasama din sa listahan sina 2019 World Import Xavier Alexander, league top rebounder at two-time champion Steven Thomas, two-time champion at 2010 Local MVP Attaporn Lertmalaiporn, 2011 Local MVP Mario Wuysang, two-time Local MVP Wong Wei Long, two-time World Import MVP Chris Charles, at 2017 World Import MVP Marcus Elliott.

RP