Parks, TNT nagkakapaan

Walang problema sa TNT ang isang taong kontrata na hiniling ni Bobby Ray Parks Jr.

Pinagbigyan ng KaTropa ang second-year guard kahit sa isang season lang tatagal sa team.

Umaasa ang TNT na kapag natapos ang kontrata ay pipirma si Parks ng mas mahaba.

“I think maybe that’s his challenge, so he can prove himself and after that one-year deal, he can maybe look at getting more for himself,” ani TNT manager Gabby Cui.

Dalawang conference lang ang pinirmahan ni Parks noon sa Blackwater, naglaro sa Elite sa Commissioner’s Cup ng nakaraang season. Nakailang laro lang sa Governors Cup, saka nai-trade sa KaTropa.

Sa siyam na laro sa season-ending tournament, nag-average si Parks ng 20.11 points, 5.0 rebounds at 3.56 assists. Madalas na backup siya kay Jayson Castro sa point.

Pareho na aniya na hindi lugi ang mag­kabila sa bagong kontrata.

“That’s the way negotiations go, eh,” dagdag ni Cui. “You try and find that win-win situation and I think we found it.”

Kapag natuloy ang lipat ni Poy Erram sa TNT, loaded na ang KaTropa. May bigs silang Erram at Troy Rosario sa frontcourt, may Castro, Parks, RR Pogoy, Simon Enciso, Jayjay Alejandro at Almond Vosotros sa backcourt. (VE)