Dinakma ang lima katao dahil sa pagbebenta, paggamit at pagtuturok nang tinunaw na shabu bago mag-sex sa isang hotel sa Cubao, Quezon City kahapon nang madaling araw.

Kinilala ni Quezon City Police District Station 7 commander Senior Insp. Ramon Aquiatan, ang nadakip na sina Mark Christopher Marcos Martin, 35; Joshua Gozon Apole, 27; Gene Gerona Jardeleza, 32; Arden Ryan Yap Granados, 38, at Jurrie Panilagao Jamora, 28.

Sa inisyal na report kay Aquiatan, alas-2:30 ng madaling-araw nang ikasa nila ang drug-bust operation sa Room 8019, Winter Hotel, West Point St., Brgy. E. Rodriguez, Cubao nang magpositibo ang 2-buwan nilang survaillance.

Nabatid na inaalok ng mga suspek ang kanilang mga kostumer na magturok nang tinunaw na shabu na tinawag nilang ‘chemical fun’ bago sila makipagtalik upang makadama umano ng kakaibang ligaya.
Karaniwan umanong parokyano ng mga suspek ay mga ‘gay’ o ‘beki’ na kanilang nakikilala sa isang application sa social media.

“Kapag nag-login ka sa kanilang application, makakausap ka nila, i-invite ka nila sa room ng kanilang hotel at dito na rin isasagawa ‘yung pagtuturok ng droga at ‘yung orgy/sex na gagawin nila” sabi ni Aquiatan.