Mabenta na naman ang parol. Ang presyo, depende sa laki, disenyo at materyales. Dahil mataas ang demand ngayong Christmas season, siguradong sisipa rin ang presyo nito.
Para hindi mabigat sa bulsa, bakit hindi subukang gumawa ng mga ‘do it yourself decorations’ — makamemenos ka na, makatutulong ka pa sa kalikasan dahil ang mga pangunahing materyales na kailanga’y mga gamit lang na makikita sa ating bahay.
Maraming video ang mapapanood online para sa step-by-step procedures.
Gamit ang cardboard o kahon, large plastic cup, glue gun, glue sticks, pintura na gustong kulay, glitters, ribbon, scissors, at glue, narito ang ilang paraan para makagawa ng DIY lantern.
1. Gumuhit ng bilog sa cardboard gamit ang plastic cup.
2. Ulitin ito ng anim na beses at gupitin ang iginuhit na bilog.
3. Pagkatapos gupitin, kunin ang gitna ng bilog at lagyan ito ng linyang pahaba bilang tanda.
4. Gupitin ang limang pirasong may linya sa gitna at itira ang isang piraso para magsilbing haligi nito.
5. Sa gitna ng natirang bilog idikit ang kalahating ginupit na bilog.
6. Gawin ito hanggang maging korteng bilog.
7. Pinturahan ng gustong kulay.
8. Lagyan ng glue ang paligid ng lantern at idagdag ang glitters para mas lalong tumingkad at magningning ang kulay.
Isa lang ‘yan sa marami pang mga DIY christmas decor na maaari nating gawin.
Ang sa akin lang, wala naman sa garbo at ganda ng dekorasyon ang diwa ng Pasko. Ang mas importante, ipagdiwang natin ito na kasama ang buong pamilya. Hindi rin tayo dapat nakalilimot magpasalamat sa Poong Maykapal at tumulong sa mga higit na nangangailangan. (with inputs from Kevin Patrick Sayaman)