Sa 92-81 loss ng Bolts sa Game 5 ng PBA Governors Cup finals nitong Linggo sa Smart Araneta Coliseum, mukhang nag-travel si Sol Mercado ng Gin Kings pero hindi natawagan.

“Well, it was an obvious travel until the referee came to me and told me it wasn’t,” ani Meralco coach Norman Black. “That’s exactly what he said to me, that it wasn’t a travel.”

Sumagasa sa basket si Mercado, tumigil sa dribble at mukhang sumobra ng hakbang bago ipinasa sa humahabol na si Justin Brownlee.

Resulta ng non-call ay ang ibinaon ni Scottie Thompson na shotclock-beating 3-pointer para ilayo ang Kings 90-81, 44 seconds na lang.

Walang naipasok si Allen Durham sa dalawang free throws niya sa kabila, dinagdagan ng dalawang freebies pa ni Thompson ang lead at final score na para sa 3-2 lead ng Ginebra sa best-of-seven series.

Para kay Cone, tapos na at hindi na dapat sinisisi ang non-call.

“That’s part of the game. Anybody can complain about it all they want,” sambit ng counterpart ni Black sa Ginebra na si Tim Cone, binanggit na ‘fairly good’ para sa kanya ang tawagan sa serye.

“The team that’s leading will always be happy about the referee, and the team that’s losing is always gonna be unhappy about the referee. That’s the nature of refereeing,” dagdag niya.

Si Black, hindi daw maintindihan kung paanong nakita ng dalawang tao ang isang play pero magkaiba ang pananaw.

“I’m not sure how you guys saw it, but it appeared to be a travel to me,” giit ni Black. “But you know, the referees are the police of the game and they have the last say. So there’s not much I can do about it.”

Ire-review daw ni Black at ng coaching staff niya ang play.

“I intend to go watch the game and make sure that what I saw in the big screen was correct.

And then we’ll just take it from there,” aniya.