Party-list ginawang joke ni Cardema – Ping

ping-lacson

Nagiging katawa-tawa ang party-list system sa Pilipinas dahil na rin sa mga taong ka­tulad ni dating Nationa­l Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardema.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson’ sa kanyang Twitter account bilang reaksyon sa isyu laban kay Cardema na naghain ng petition for substitution sa Commission on Elections (Comelec) para mapa­litan ang kanyang asawa bilang unang no­minee ng Duterte Youth Party-list.

Hinarang ito ng ilang grupo sa Comelec at kinuwestiyon pa ang edad ni Cardema para maging party-list representative ng kabataan.

“Ronald Cardema and the Duterte Youth party- list are just two of the many reasons why the party list system has become a joke,” tweet ni Lacson.

Sinabi pa ni Lacson na panahon na para isailalim sa muling pag-aaral ang batas sa Party-list upang malaman kung natutupad pa ba ang tunay na layunin kung bakit isinabatas ito.