Pasabog ni Awra squateric

Trending ngayon si Awra Briguela dahil sa rebelasyon niya na ginamit umano siya ni Feng dela Cruz. Pinagpipistahan ngayon ito sa Twitter. Nagsagutan ang dalawa at labasan ng mga private message nila.

Tumpak ang punto ni Oh My Gay Bathalas sa kanyang personal blog na mababasa sa Facebook.

Dear #Awra,

“Ina-antok ako but I decided to make patol your tea kahit mapait ito. Gusto ko lang naman magbigay ng opinion ko ukol sa ka-cheapan ninyong dalawa. I will try my best to communicate it in a way you and #Feng will understand.

1.) ANG CHEAP, DAY! ANG CHEAP CHEAP!

Karapatan mong ma-feel yung nararamdaman mo kasi nasaktan ka naman talaga. BUT the way you called him out in Twitter is so squammy.

2.) OO NASAKTAN KA AND BITTER KA NGAYON PERO lahat ng tao na sumugal sa kahit na anong relasyon will always put their hearts at risk. Part yan ng pag take ng chances sa tao at sa nararamdaman niyo. May mga sinusuwerte at may mga umuuwing sawi.

3.) IKAW NAMAN FENG, ISA KA PANG DI KO MAINTINDIHAN. Pag may karelasyon na, huwag nang lumandi sa iba! Pero kung totoo ngang nanggamit ka lang para sa clout chasing mo sa YouTube, ang husay mo ngang manggagamit.

4.) HINDI NABIBILI NG PERA ANG HAPPINESS PERO NABIBILI NIYA ANG DAMIT SA H&M!

Shuta dito talaga ako natawa! Awra day, makinig ka sa koya mo, maging wais sa panggagamit sa mga hombre! Gayahin mo ang mga Inang Dyosang Baklitas executives sa malalaking network na jumojowa ng mga aspiring sumikat na mga artista! Huwag kakasa kung walang makukubra! Huwag magpapagamit kung hindi mapapakinabangan!

5.) OO NADISCOVER MONG MAY JOWA SI FENG,—ANO NGAYON? Kalakaran na niya yan Day! SANA NAMAN YOU TOOK THE HIGH ROAD —pakita mo man lang na ibang klase kang bakla. Yung MAY CLASS NA BAKLA! Sayang eh you had the chance to rise above the squammy. Yung issue mo lang sana sa kanya ang inexpose mo pero yung screenshots mega kalat ka pa! Pero baka kasi hindi mo pa alam what behaving with class means, Awra, I am giving you the benefit of the doubt.

6.) ANG NAGAWA MO AT NABIGAY MO SA TAO SA PANAHONG NABULAG KA SA PAGMAMAHAL MO SA KANILA AY HINDI MO NA DAPAT ISUMBAT. Walang bawian ng ayuda sa Palawan Express (sheht libre promo!). Tandaan mo yan Awra. Huwag mong sasabihin na ayaw mo sanang manira pero tinweet mo rin pala. Kacheapan talaga, day.

7.) FENG ANG MASASABI KO LANG SAYO, HINDI SA LAHAT NG ORAS EH FRESH KA. Araw mo ngayon pero puede kang alatin bukas at mas aalatin pa sa makalawa. Pinili mo allegedly na mang-setup ng tao, kaya ayan nag-backfire.

8.) SANA MAGING ARAL ITO SA MGA BAKLA. Walang manggagamit kung walang magpapa-gamit. BIGYAN NG DIGNIDAD ANG SARILI AT HUWAG NA I-EXPOSE ANG NAGING KATANGAHAN. Kung may nagawa sa inyong illegal, dalhin at idaan sa tanggapan ng kinauukulan.

9.) Sleepy na ako. Kung ano-ano na nasasabi ko. Good night.

10.) P.S.

Relationships and their breakdown are all private matters. Kaya ko naman pinatulan ito ‘cause parehas na silang nagbatuhan ng putik at nag-pour ng ampalaya tea. I hope hindi tularan ito ng mga kabataan just because yung mga involved ay nalulunod sa tig-kalahating baso ng kasikatan nila.

#FengDelaCruz #AwraBriguela

Ano’ng sey nina Awra at Feng tungkol dito?