Pasabog ni Baron kay Ping pinagdudahan

NI: Archie Liao

Siguradong mabubuhay na naman ang matagal nang nanahimik na feud between Baron Geisler at sa indie actor na si Ping Medina.

Isa kasing Twitter user na nagngangalang @jughnn ang nag-expose sa umano’y kanyang sinapit sa kamay ni Ping.

Alegasyon nito,naging biktima umano siya ng sexual harassment ng actor.

Isa namang @christellelee ang nagsabing siya man ay biktima umano ng sexual abuse ni Ping.

Nakawiwindang naman ang naging sagot ni Baron Geisler sa post ni @jughnn.

“True.My ex was raped by him and his friend,” rebelasyon ni Baron.

Aniya,ito rin daw ang isa sa mga dahilan kaya niya inihian noon ang nakaalitang actor.

Sa expose na ito nina Baron at ng mga nabiktima diumano ni Ping,nag-react ang mga netizen.

Merong nakikisimpatiya sa kalagayan ng mga babae at kinokondena si Ping.

May mga nagsasabi namang blackmail lang daw ito kay Ping.

May mga nadismaya rin sa umano’y natuklasan nila sa award-winning actor.

Meron din namang kumukuwestiyon sa motibo ni Baron dahil bakit ngayon lang daw ito pumiyok at hindi naghabla noon.

Bukas ang panig ni Ping sa mga paratang sa kanya.