Ang daming natuwa nang biglang magparamdam si Julia Montes sa social media nu’ng isang araw.
Nag-join si Julia sa napakaraming Kapamilya na nagpasalamat sa kanilang home network matapos ang mga parunggit ni Jimmy Bondoc sa nasabing istasyon.
Na-happy ang 3.3M followers ni Julia sa Instagram dahil nag-post siya ulit after ng huli niyang IG post na March 11 pa.
Ang daming nag-comment na nami-miss na nila si Julia, na ang iba ay sinasagot naman ng missing in action na aktres, tulad nu’ng comment ni Miles Ocampo.
Wish ng fans ni Julia na mag-comeback na siya sa showbiz dahil magaling siyang aktres.
Bukod doon ay mabait daw si Julia at walang kaere-ere, kaya never itong nagkaisyu na nagtaray ito o yumabang.
Nagtatanong ang fans kung ano nang plano sa kanya ng Cornerstone na nagma-manage ng career niya bilang wala na siya sa Star Magic.
Sana raw ay bumalik na soon si Julia, na isa sa mga prinsesa ng Kapamilya network at in fairness ay nagri-rate ang mga show, mapa-hapon man o primetime.
Ang tanong: sino kaya ang unang makaka-exclusive interview kay Julia Montes?
Magsasalita kaya siya tungkol sa sinasabing anak nila ni Coco Martin? Totoo nga ba na isa na siyang ina sa edad na 24-anyos?
At anong masasabi niya sa balitang may relasyon na sina Coco at Yassi Pressman? Aware ba siya rito?
‘Yun ang mga tanong na nanghihingi ng kasagutan. Nag-aabang ang taumbayan sa panig ni Julia.
Haaayyy… sino nga kaya ang masuwerte na unang makaka-interbyu sa kanya?
***
Sharon tumili
sa anak
Panay ang tili ni Sharon Cuneta sa awarding ceremonies kahapon sa school ni Miel Pangilinan.
Super proud mother si Shawie dahil sa batch nina Miel this year na Grade 8 ay naka-dalawang medals ang bagets: isa sa English at isa sa Filipino.
“That’s my girl! Oh my God!!” ang malakas na tili ng Megastar bago siya akyat sa stage kasama ang kanyang mister na si Kiko Pangilinan para i-pin ang medal ni Miel.
“We are so very proud of you, our dearest Yellie!!! Thank you for the happiness you have given us! I love you more than words can ever say!!!” masayang caption ni Mega sa pinost niyang pic nila.
Ang sabi naman ni Sen. Kiko sa post nito, “Excellence Awards in English and Filipino. Congratulations Yellie! So proud of you. Nagbunga din ang ating araw-araw na paglalaro gamit ang wikang Tagalog ng bahay bahayan, carinderia carinderia at yung Pretend Play na ikaw si Bantay ang aming alagang Tuta. Aw, aw!”
Mahilig kumanta at sumayaw ang 14-anyos na si Miel na malapit nang gumradwet from Middle School.
Sey ni Sharon, ito ang pinakamatangkad sa magkakapatid, nagmana sa Daddy Kiko nito na 6 footer.
Mahilig sa K-pop si Yellie kaya maging si Shawie ay na-ging paborito na rin ang BTS, NCT, BlackPink at kung anik-anik pang Korean idols ng mga bagets.
18 na ang ate ni Miel na si Frankie, na graduating na ng high school. Sa New York mag-aaral ng college si Frankie at sa August ay ihahatid ito nina Shawie sa dorm na titirhan nito sa Amerika.
Ngayon pa lang ay nase-sepanx na si Mega sa nalalapit na pag-alis ng mahal niyang panganay na sobrang mami-miss daw niya.