Pasabong ni Ligon P4M ang papremyo

Mga sabungero inimbitahan sa nalalabing derby elims

Inaabangan na ang pagsiyapol ng unang ­elimination round ng RMC 30th Anniversary 5-Cock Derby sa susunod na Huwebes, Enero 30 sa may 10,000-seat at air-conditioned Roligon Mega ­Cockpit sa Parañaque City.

Puwedeng magpasok ng entry sa 3-cock elims na may P100,000 day champ prize sa January 30, Pebrero 6, 13, 20, 27 at Marso 5 at 12. Itinakda ang entry fee sa P11,000 at minimum bet na P5,500.

Ang 2-cock finals sa March 19 ay para sa mga 1, 1.5, 2 at 2.5 points na may may P200,000 sa day champ at Vortex motorcycle sa raffle draw, at sa Mar. 26 na para sa 3 pts.

Garantisado ang P4M sa malaking pasabong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon. May P100,000 sa champion handler at P50,000 sa gaffer.

Bukas na ang cockhouse reservations sa Roligon offive sa 8519 7345, kay Shirley sa 0920 9509 090 at Tiling Capitan sa 0926 7134 069. (Enjel Manato)