Bagong format ang Las Piñas Coliseum sa pang-Sabadong edisyon ng “Fastest Win One-Cock Ulutan” nito ngayon para sa mga smalltime cocker.
Laan ang premyong P40,000 at mababang P350 entry fee lang sa pasabong na ito ni Pol Urias. Ang minimum bet ay P3,300.
Tatanggap ng P500 ang unang 30 winners at paghahatian ng mga three pointer ang P10,000.
Ang ibang premyo ay sa fastest win champ may P4,000; second, P3,000; third hanggang sixth fastest win, P2,000 each.
Samantala, umabot sa 134 entries noong Miyerkoles ang “Boss A and Gabriel One-Cock Timbangan”.
Sunod na pagkaraan ang palaban ni coliseum manager Alex Tobias, ang “Boss A Summertime 4-Cock Derby” sa Abr. 24.
Sa iba pang mga impormasyon, kontakin lang sina Grace at Julius sa 873-1040, 0929-1800 960, 0939-1376 455 at 0915-3582 076.