Pasahero ng AirAsia ikatlong coronavirus carrier

Sumakay ng AirAsia ang babaeng Chinese na kinumpirma ng Department of Health (DOH) bilang ikatlong novel coronavirus carrier sa Pilipinas.

Ayon kay DOH Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo, ang 60-anyos na babaeng Chinese ay dumating sa Cebu City ga­ling Wuhan via Hong Kong noong Enero 20 at kinabukasan naman dumiretso sa Bohol.

Kaugnay nito, nagpahayag ang AirAsia ng kahandaan na makipagtulungan sa DOH sa pamamagitan ng pagsusumite ng kanilang flight manifest at contact detail ng mga pa­saherong nakasabay ng naturang Chinese sa biyahe.

Inilagay na rin umano sa quarantine ang mga flight crew ng eroplano ng AirAsia kung saan sumakay ang babaeng Chinese na nCoV infected.