Pasalamat sa Pangulong may paninindigan

Dear Sir:

Hindi natin masisisi ang ilang nating mga kakabayan na masyadong mag-alala sa pinaggagawa ngayo­n ng ating mga kapulisan. Ang PNP at AFP ay may mandato sa ating Saligang Batas na taga-protekta ng kapakanan ng sambaya­nan, ipagsanggalang ang soberano ng estado at ang integridad ng ating mga hangganan. Subalit hindi ata alam ng iilan na ang ginagawa ng ating mga awtoridad ay sagi­pin ang nakakaraming Pilipino mula sa panga­nib ng droga.

Talamak na ang droga sa ating bansa, marami na ang naging biktima. Kaya nakita ng ating Pangulong Duterte. Kaya pasalamat tayo na nagkaroon tayo ng Pa­ngulong may paninindigan at walang takot na harapin ang mga drug lord sa ating bansa.

Nakita naman natin na libo-libong nagsisuko na mga drug pusher­, drug u­ser at iba pang may kinalaman sa droga. Hindi ko nga akalain na ganito na pala kalala ang ating bayan mula sa illegal drugs.

Hayaan natin na gawin ng PNP at AFP ang kanilang pamamaraan sa pagsugpo sa illegal drugs.

Hindi kaya ito ang pamamaraan ng Chin­a upang ang Pilipin­o ay maging addict at hindi na maipagtanggol ang kanyang bansa laban sa nais sumakop nito? Dahil kapuna-puna rin na bakit ang karamihang nahuhulin­g mga manu­facturer ng shabu ay mga Chinese national?

At bakit ang ilang negosyanteng Intsik ay front lamang ang kanilang tinayong ligal na negosyo pero sa katotoha­nan nasa illegal drugs pala ang kanilang tunay na negosyo? Kasi ang illegal drugs ay malaking kita at wala pang binabayarang tax sa gobyerno.

– Rogelio A. Rico
Zamboanga City