UMANI ng suporta si Direk Lav Diaz sa kanyang pasaring tungkol sa kakulangan ng suporta mula sa gobyerno sa si­ning at pelikula.

Maraming artists ang sumang-ayon sa punto niya.

Ang punchline ng ibang netizens, since co-producer ang Star Ci­nema sa pelikulang Ang Babaeng Humayo at sinasabing naka-P130M in five days ang kasalukuyan nilang pelikulang Barcelona na hindi kagandahan ang mga naglabasang reviews, maano bang bahagi ng kinita nito ay ibigay na bilang incentive sa pelikulang nagbigay ng karangalan sa bansa.

May punto nga naman ‘yun!

***

Ang taas ng acting ng witness sa Congressional hearing na si Magleo.

Kasintaas daw ng ac­ting ni Kathryn Bernardo sa Barcelona: A Love Untold.

Magpahanggang Wakas nina Jericho at Arci umariba sa ratings

Jericko Rosales at Arci Muñoz
Jericko Rosales at Arci Muñoz

Tinutukan ng mga manonood ang pag-uumpisa ng kuwento ng bagong primetime serye ng ABS-CBN na Magpahanggang Wakas kaya umariba sa ratings ang pilot episode nito noong Lunes.

Napukaw ang puso ng mga manonood sa pag-iibigan nina Waldo (Jericho Rosales) at Aryann (Arci Muñoz) at nagtala ng national TV ratings na 25.1% kumpara sa katapat nitong palabas na Alyas Robin Hood (starring Dingdong Dantes) na nakakuha ng 19.3%, ayon sa datos ng Kantar Media.

 Nasabik din ang netizens sa maiinit na tagpo ng serye kaya napasama sa listahan ng trending topics sa Twitter ang official hashtag ng palabas na #MWHubadNaSimula.

Jodi wagi ng P1M sa Ultimate Challenge

Jodi Sta. Maria
Jodi Sta. Maria

Wagi ng P1M si Jodi Sta. Maria matapos mapagtagumpayan ang Ultimate Challenge noong Lunes (Sept. 19) sa Kapamilya game show na Minute to Win It: Last Man Standing.

Lahad ni Jodi, “Ang naisip ko lang, kaila­ngan kong matapos ‘yung game. Kailangan kong ibigay kung ano ‘yung nire-require.

“Hindi ko na inisip ang audience. Pumunta ako sa Minute to Win It para maglaro, mag-enjoy, ma-experience ang game.

“Ang expectation of winning wala sa akin, hindi ko siya naisip.”

 Kalmado at focused si Jodi sa Ultimate Challenge na Mouth to Mouth, na sinubok ang kanyang galing at bilis sa pagbunot ng papel na pera sa gitna ng dalawang boteng walang laman nang hindi ito nahuhulog.

Nag-uwi si Jodi ng total cash prize na P1.07M matapos matalo si Pooh sa Head-to-Head Challenge.

Plano ni Jodi na ipamigay ang napanalunan sa mga charity at foundation na matagal na niyang sinusuportahan.

***

Pinag-uusapan at pinag-iinitan ang Search for One-Side Bikini King 2016 na gaganapin sa Sabado (Setyembre 24) ng gabi sa One 690, #39 Roces Ave., Quezon City.

P300 lamang ang tiket dito… sulit na sulit!
Punong-abala rito ang mga nagmamahal at nagmamalasakit kay Puri Titiwang.

‘Yung mga gustong mag-sponsor para merong reserved na puwesto, makipag-alam kay Genesis Gallios sa FB.

***

Patuloy na tumitindi ang mga ganap sa Kapuso afternoon series na Sa Piling ni Nanay.

Maldita pa more si Scarlet (Katrina Halili) kina Ysabel (Yasmien Kurdi) at Matilda (Nova Villa).

Pisikalan ang away!

***

Aabot na ng Hollywood ang boses ng ating BBC anchor na si Rico Hizon.

His voice comes out within the first minutes of the film reporting that the character of Pierce Brosnan is set to meet officials from the US Securities and Exchange Commission seeking approval for his private aviation company to be listed on the stock exchange.

Ito ang pelikulang I.T. starring Pierce Brosnan to be directed by John Moore na nakilala sa mga pelikulang Behind Enemy Lines (starring Owen Wilson and Gene Hackman) and the 2013 action film A Good Day to Die Hard (starring Bruce Willis).