Binalaan ng Social Security System (SSS) ang mga mga pa­saway na employer na nakatanggap ng pinakahuling statement of accounts pero hindi nag-avail ng Contribution Penalty Condonation Program (CPCP).

Sabi ng SSS, kakasuhan ang mga pasaway na employer sa kanilang Operations Legal Department at iisyuhan ng Warrant of Distraint, Levy and Garnishment (WDLG).

Ang CPCP ay inalok ng SSS sa mga delingkuwenteng employer matapos na maging epektibo ang Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018 noong Marso 6, 2019.

Kasabay nito, inihayag ni SSS president and chief executive Officer Aurora C. Ignacio na umabot sa kalahating milyong empleyado ng higit 55,000 kompanya ang nakapag–avail ng CPCP.

Ayon kay Ignacio, sa pension fund ay nakakolekta na ng P1.81 bilyong halaga ng kontribusyon mula sa buo at inisyal na mga pagbayad ng mga employer na nakapag-avail ng CPCP mula Marso 6 hangang Setyembre
6 ngayong taon.

(Dolly Cabreza)