Hindi na itataboy kundi aarestuhin na ang mga pasaway na vendor kapag nakita ulit na iligal na nagtinda sa Juan Luna Street sa Divisoria, Maynila.
Babala ni Che Borromeo, hepe ng Task Force Manila Cleanup, matapos na magbalikan sa Juan Luna St. ang mga illegal vendors na una na nilang pinaalis sa lugar.
Nabatid na muling sinalakay kahapon ng mga tauhan ng Task Force Manila Cleanup ang isang bahagi ng Juan Luna St. sa Divisoria kung saan umabot sa 250 illegal vendors at ilang mga sasakyan ang naialis sa pagitan ng Sta. Elena at Padre Rada St. sa kahabaan ng Juan Luna habang pinaalis din ang mga vendors sa Recto Bridge malapit sa Dragon 8 Shopping Center.
Ayon kay Borromeo, tatlong taon nang walang mga permit ang mga vendors na ito kaya’t binalaan ang mga ito na aarestuhin na kung babalik pa rin sa Juan Luna.
hindi ninyo kayang arestuhin mga vendors,,,lagay lagay lagay lang labanan jan at pera pera lang yan,,,di ba ERAP…
TAMA YAN SA LAHAT NG PASAWAY SA BATAS NA MGA VENDOR…. DAHIL KAMING MGA TAONG BAYAN ANG NAHIHIRAPAN DUMAAN SA KALYE..PALAGI PA MAY MGA MANDURUKOT NA KAKUTSABA NILA….,.IKOLONG YAN MAYOR…