Pasaway pa more! Alkalde ng Pangasinan nagpa-party

Sa kabila nang pagbabawal sa lahat ng mass gathering, mga kinalailangan social distancing at curfew bunsod nang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ), kumalat kahapon ang video at mga larawan nang umano’y ginanap na birthday celebration ni Sto. Tomas, Pangasinan Mayor Timoteo `Dick’ Villar kasama ang chief of police ng lugar at mga bisita noong May 6, araw ng Miyerkoles.

Si Sto. Tomas municipal councilor Dickson Villar, anak ni Timoteo, ang siyang nag-upload ng dalawang video clip na may pamagat na “midnight harana” sa Facebook, noong May 8, dalawang araw matapos ang birthday ng mayor.

Sinubukang kunan ng Abante ang panig ni mayor at Councilor Villar tungkol sa isyu ngunit hindi sila ma- contact.

Napag-alaman na ang mga post ay naka -`public’ mula sa FB ni Councilor Villar na may caption na “O tulog tayong lahat sa kulungan! Dami nating nilabag: curfew, social distancing,” na ngayon ay burado na sa nasabing social media site.”

Sa video, makikita din si Sto. Tomas, Pangasinan police chief-of-police Peter Paul Sison na umano’y humawak pa sa cake ng birthday celebrant.