Pumalo na sa higit 130,000 katao ang lumabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang hinuli ng pulisya sa buong bansa ayon sa ulat kahapon ng Joint Task Force Corona Virus Shields.
Dahil sa patuloy na pagdami ng pasaway ganoon din ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa na full support siya sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatupad ang total lockdown sa natitirang araw ng ECQ.
Mayroon na ring ibang lokal na opisyal na planong magsagawa ng mas mahigpit na parusa sa mga violators ng ECQ dahil ang ilan ay ipinagwawalang bahala lang ang rules and regulations ng quarantine prtocols.
“I call on all Regional Directors to put action to the strong words of the President. I expect all of you to support this,” pahayag ni Gamboa sa kanyang statement.
Bukod dito, ipinag-utos din ni Gamboa ang patuloy na crackdown sa mga iligal na aktibidad at mga paglabag sa social distancing katulad ng mga tupada, card game, mahjong at pag-iinuman sa pampublikong lugar.
Sa ngayon ay may kabuuang 130,177 ECQ violator na ang inaresto, pinagmulta at binigyan lang muna ng babala ng pulisya.
Sa nasabing bilang ay 80,180 ang mula sa Luzon, 26,216 naman ang mula sa Mindanao habang 23,781 naman ang pasaway sa Visayas.(Edwin Balasa)