Maagang natapos ang season ng Phoenix, pinagtuunan ng Fuel Masters ang pagpapalakas para sa susunod na taon.
Pinunan ng Fuel Masters ang isa sa kakulangan ng team – sa gitna.
Pinamigay ng Phoenix ang future draft pick nila sa Alaska para makuha si Jake Pascual.
Inaprubahan ni PBA Commissioner Willie Marcial ang deal nitong Martes.
Kapalit ni Pascual ang 2020 second round pick (lowest) ng Phoenix.
Maraming dating Aces na daratnan si Pascual, 31, sa Fuel Masters – sina coach Louie Alas at deputy niyang si Topex Robinson, Calvin Abueva, RJ Jazul at Davon Potts.
Nag-retire na si veteran big man Doug Kramer tapos ng kampanya ng Phoenix sa Governors Cup, sasandal si Alas sa 6-foot-4 frame ni power forward Pascual na puwedeng makipagbanggaan sa paint.
Nitong season-ending conference, bumaba ang playing time ni Pascual sa ilalim ng bagong coach ng Aces na si Jeff Cariaso. Nag-average siya ng 5.4 minutes bawat laro at stats na 1.3 points, 1.3 rebounds.
Eighth pick overall ng Barako Bull noong 2014 si Pascual mula San Beda. (VE)