Pascual rerespondehang muli ang Aces

Mahirap punan ng iisang tao lang ang nabakanteng puwesto ni Vic Manuel sa Alaska.

Kaya ang siste, bayanihan ang healthy bigs ni coach Alex Compton para itayo ang Aces.

Nagbunga ‘yun noong Miyerkoles sa MOA Arena nang takbuhan ng Alaska ang Columbian Dyip 94-72 para kolektahin ang unang panalo sa PBA Philippine Cup pagkatapos sumemplang sa debut game.

Out na sa buong conference si Manuel dahil sa back injury, kaya tulong-tulong sina Jake Pascual, Sonny Thoss, Noy Baclao at pati si Carl Bryan Cruz.

Malaking papel ang gagampanan ng reserves ni Compton, dahil bukod kay Manuel ay injured pa rin sina JVee Casio, Kevin Racal at Simon Enciso.

Malaking hamon kay Pascual at sa mga kasama, pero kaila­ngan nilang harapin.

“Aminado naman natin na si Vic Manuel ang No. 1 option namin sa ilalim, may outside shooting pa,” ani Pascual, eighth pick overall ng Barako Bull noong 2014. “Tulungan lang kami.”