Humarbes ng medalya ang Parañaque City at Pasig City sa nagaganap na Luzon Leg ng 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy qualifying sa Ilagan City, Isabela.
Kumalawit ng dalawang ginto ang Pasig City arnis fighters na sina Irish Rueco sa Junior Girls, Traditional Individual-Double Weapon at Jharie Matthew Magsangcay sa Junior Boys, Traditional Individual-Single Weapon.
Ang ibang Pasig arnisadores na kumulekta ng medalya ay sina Angela Callanta, silver sa Junior Girls,DW at bronze sa Individual-Single Weapon; Jaysen Taupa; Vincent Paul Sajor at John Keybird Sutelleza, silver sa Junior Boys, Traditional Team-Open Weapon.
Tig-limang gintong medalya naman ang sinisid nina Mark Bryan Dula at Micaela Jasmine Mojdeh ng Parañaque City sa swimming. (Elech Dawa)