STANDINGS
TEAMS         W L
SMB               2 0
Meralco          5 1
Star                 4 1
Alaska            4 1
TNT                4 1
Ginebra          2 1
Rain or Shine 4 2 
Phoenix          2 4
Blackwater    1 4
GlobalPort     1 4
Mahindra       1 5
NLEX            0   6
 
Games ngayon: (Smart Araneta ­Coliseum)
4:30 p.m. — Blackwater vs. Meralco
6:45 p.m. — San Miguel Beer vs. Star

Interesanteng double-­header na magtatampok sa top three teams sa standings ang magtutuloy mamaya sa PBA Commissioner’s Cup elims na sa Pasko ng Pagkabuhay may special treats sa mga kids sa Smart Ara­neta Coliseum.

“I am inviting everyone to come and join us in celebrating the resurrection of Jesus Christ. We have lined up various­ ­activities to all our ­patrons, especially for the kids. And we have two good games that will surely complete your fun Sunday,” sabi kahapon ni PBA Commissioner ­Chito Narvasa.

Open na sa alas-tres pa lang ng hapon ang red gate ng Big Dome kung saan ang mga ticket­ holders, lalo na ang mga tsiki­ting, puwedeng makipag-­selfie sa movie characters na Optimus Prime, ­Minions at Star Wars. May photo-ops din ang mga Easter Bunny ­standees sa lahat.

Mamumudmod ng ­libreng cotton candies sa mga kabataan, magpapa­agaw sa sling shots ng “We Are PBA” shirts para sa mga crowds at magwawakas ang pautot  sa pag-indak ng Electro Groovers PBA ­Batang Achievers of the week sa  halftime ng second game.

6:45 p.m. maghahadahan ang unbeaten, league-leading San Miguel Beer (2-0) at nasa three-way tie, sister-team Star (4-1) pagkalipas ng 4:30 opening salvo ng solo second Meralco (5-2) at kasalo sa ninth spot na Blackwater (1-4).

Magkalayo masyado ng estado ang Meralco at Blackwater, pero seseryosohin ng una ang huli sa parehong misyon ng isa’t isa na maka-back-to-back wins tapos mga huling luksuhan ang Hotshots at ang GlobalPort sa huli nilang mga sabak.

“Blackwater has been playing good basketball this conference so we must prepare well and avoid any type of letdown,” giit ni Bolts coach Norman Black.