Pasko: Panahon ng pagkilala at pasasalamat

Pasko na naman. Sa gitna ng kabilaang pagsasaya, huwag nating kalimutang panahon din ito ng pasasalamat sa lahat ng ating nakamit, naabot at nagawa sa buong taon.

Sa akin, bilang inyong kalihim, panahon din ito ng paggagawad ng pagkilala sa mga kapwa ko lingkod-bayan at mga kasamahang naninilbihan sa pamahalaan.

Hayaan po ninyong banggitin isa-isa ang mga nagawa ng gobyerno sa pangangasiwa ng kasalukuyang administrasyon para mapaunlad ang buhay ng mga Pilipino sa tulong ng mga ahensiya na nagsusulong ng mga programa at proyekto.

Ang ating S&P cre­dit rating ay na-upgrade sa pagiging BBB+/stable, pumaimbulog din ng ating international tourist arrivals, mara­ming LGU ang nagawaran ng Seal of Good Governance, nagkatrabaho ang maraming TVET graduate, naipamahagi ang 120,889 hektaryang lupain para sa 77,275 ARB, napalawak ng 1,900 kilometro ang Philippine Railway network at nakompleto ang 64 airport project at naidaos ang Saba­yang Patak Kontra Polio Program.

Naratipikihan din ang Bangsamoro Organic Law, naipatupad ang ‘Whole of Nation Approach’ ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at nadagdagan ang bilang ng mga abogado ng Public Attorney’s Office.

Nagkaroon din ng capability upgrade sa ating sandatahang lakas, nabigyan ng proteksiyon ang mga OFW, nailatag ang libreng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar, umangat ang Gross Value Added sa industriya ng pagsasaka at pangisdaan, at ating naayos ang pangkalahatang pangangasiwa sa paraan ng Open Government Partnership at fiscal transparency.

Napataas natin ang employment rate ng hanggang 95.5%, mu­ling binuksan ang Boracay Island at nalinis ang Manila Bay. Nailatag din natin ang 9,845 kilo­metrong kalsada, 2,709 tulay, 4,536 proyekto laban sa baha, 120,895 mga silid-aralan at 101 evacuation center.

Nakapagpaabot tayo ng tulong sa mga 4Ps beneficiary sa 144 lungsod at 1,483 munisipyo sa 80 probinsya, tumaas ang enrollment sa mga paaralan sa ilalim ng basic education program, nabigyan ng scholarship ang 1.5 milyong estud­yante sa kolehiyo at tech-voc center at nakapagpatayo ng 1,100 Negos­yo Center.

Apatnapu’t apat na siyentipiko’t dalubhasa ang sumailalim sa Balik Scientist Program at may 26,831 iskolar ang nakinabang sa ilalim ng Science and Technology Scholarship Programs ng DOST. Nakapagpatayo rin ang gobyerno ng libreng pabahay para sa 704,645 low-income family, napailawan ang 22.5 milyong kabaha­yan, at bumaba sa 16.6% ang poverty incidence kung saan matagum­pay nating naiahon sa kahirapan ang 5.9 mil­yong Pinoy.

Pinasasalamatan natin ang Pangulo sa pagbibigay ng pagkakataon sa ating makapagsilbi at sa kanyang patuloy na gabay sa amin na tahakin ang tamang landas sa lahat ng pagkakataon. Kinikilala din natin ang mga kasamahan sa sa­ngay ehekutibo at ang aking mga karantso sa lehislatura at sa mga kasama kong naglilingkod sa pamahalaan – lalo na ang mga kawani na siyang nagpapainog ng pambansang pangangasiwa.

Sa aming mga pinagsisilbihan – ang karaniwang mamamayan. Sa­lamat sa lakas at inspirasyon na inyong binibigay upang patuloy ka­ming makapaglingkod tungo sa pagpapaangat ng ka­lidad ng ating buhay. Maligayang Pasko po sa inyong lahat.