Hindi kumpleto ang Pasko ng mga Pilipino kapag hindi ito naranasang gawin ng bawat pamilya.
Sa kabila ng modernong pagdiriwang ng Kapaskuhan at komersyalismo, hindi makukumpleto ang Kapaskuhan kapag hindi nagpalabas ang PHLPost ng ‘Maligayang Pasko 2019’.
Sa Pilipinas pinakamahaba ang selebrasyon ng Kapaskuhan kung saan nagsisimula ito ng Setyembre at natatapos ng unang linggo ng Enero ng Bagong Taon.
Mayroon ding Misa de Gallo o Simbang Gabi na ginagawa sa loob ng siyam na araw na magtatapos sa bisperas ng Pasko.
Sa ganitong panahon din matitikman ang masarap na puto bumbong at bibingka na may kasamang mainit na tsaa pagkatapos ng Simbang Gabi.
Kapag araw na ng Pasko uso rin ang mga litson sa handaan at mga bahay.(Juliet de Loza-Cudia)