Sasalubungin ng pagtataas ng presyo ang petrolyo ngayong kapaskuhan.

Base sa pagtaya ng mga kompanya ng langis sa bansa, nasa P1.10 hanggang P1.20 kada litro ang itataas sa presyo ng diesel at P1.00 hanggang P1.10 naman kada litro ang taas sa kerosene.

Wala namang paggalaw sa presyo ng gasoline o may bawas na P0.10 kada litro.
Ang nakaambang paggalaw sa mga produktong petrolyo ay bunsod na rin sa presyuhan nito ngayon sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing araw ng Martes na ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo. (Armida Rico)