Guadete Sunday o Linggo ng Pagsasaya ang tawag sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento. Sa araw na ito, kulay rosas ang suot ng pari sa Misa, sagisag ng malaking kagalakan sa puso ng tanan dahil malapit na malapit na ang Pasko.
Sa Linggong ito, inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na magalak sapagkat naririto na ang ating kaligtasan. Paliwanag ng Simbahan: “We have good reason for rejoicing above all because the Lord is at hand!”
Ilang tulog na lang ay Pasko na, ang pinakaaasam na Pista ng lahat, hindi lamang ng mga Kristiyano kundi ng buong sangkatauhan na patuloy na naghahanap kay Kristo. Nais ng Panginoon na mag-umapaw sa galak ang ating mga puso.
Paalala ng Simbahan sa lahat ng naghahanda sa pagdatal ni Hesus: Nais ng Panginoon na muling ipanganak sa ating mga puso. “We shall be full of joy if Our Lord is really present in our life, if we have not lost him, and if we have not allowed our sight to be clouded by tepidity or lack of generosity.”
Kung hahanapin natin ang kaligayahan sa mga bagay na malayo at hiwalay sa Poon, tiyak na kabiguan at kalungkutan lang ang ating mapapala. Giit ng Iglesia: “All those who ever turned their backs on God have had the same experience: They have proved that apart from God there is no true happiness!”
Ang pananatili kay HesuKristo, ay pagkakaroon ng malalim at tunay na kaligayahan at kapanatagan sa puso, giit ng Simbahan. “Hapiness is essential to the Christian. Ours is not just any sort of happiness. It is the happiness of Christ, which brings justice and peace,” paliwanag nito.
Huwag daw nating asahan maging masaya sa mundo sapagkat hindi nito hawak ang susi ng totoong kaligayahan. Nasa puso ng bawat nilalang ang ‘sekreto’ ng tunay na kagalakan, wala sa pagtingin sa labas kundi sa pag-uusisa ng ating kalooban kung saan matatagpuan ang Diyos. Sa madaling salita, true joy or happiness is a result of grace, a gift from God!
Kahit sa harap ng kasiphayuan, nanatili ang tunay na kaligayahan at kapayapaan sabi ng Simbahan: “Christian happiness is profound and can exist in the midst of difficulties. It is compatible with pain, with illness, with failures and contradictions,” aniya. Maliban kung sadyang ihiwalay natin ang sarili sa Sanhi ng totoong kaligayahan, walang sinuman at anumang maka-aagaw nito sa atin.
Mahalaga na manatili daw sa puso ang mensahe ng Pasko: “God is our Father and wants all that is best for us.” Ito raw ang tunay na makapagbibigay ng pagbabago sa ating buhay, sa ating ugali at pakikitungo sa kapwa – ang galak at pag-asa na dulot ng pag-ibig ng Diyos sa atin! Hindi natin mapipigilan ang pagdating sa ating buhay ng Panginoon na nais baguhin tayo ng kanyang pag-ibig.
Sa huli, wala talaga tayong dahilan upang sumuko sanhi ng problema o anumang pagsubok. Kasama natin ang Diyos na nagmamalasakit sa atin.
Ngayong Pasko nais ng Poon na mas patatagin ang ating pakikitungo sa Kanya at makakaasa tayo na hindi kailanman mabibigo. Dumating na ang panahon upang hayaan natin ang Diyos na gumalaw sa ating buhay. Nasa pagtanggap sa Kanya ang paraan upang makamit natin ang hiwaga ng Pasko at sa proseso maging pagpapala tayo sa iba.